Home METRO Babae naabo sa nasunog na bahay ng biyenan

Babae naabo sa nasunog na bahay ng biyenan

DUMANJUG, Cebu- NALITSON nang buhay ang isang babae matapos lamunin ng apoy ang bahay ng kanyang biyenan sa gitna ng kasarapan ng tulog nito kagabi, Marso 31 sa bayang ito.

Kinilala ang namatay na si Leonilda Agbon Hambalos, 36-anyos, at nakatira sa bahay ng kanyang biyenan sa bulubunduking bahagi ng Barangay Tubod-Dugoan, Dumanjug.

Ayon kay Fire Officer 2 Boy George Lao, ng Dumanjug Fire Station, nagsimula ang sunog bandang 11:30 p.m.

Makalipas ang 40 minuto idineklara itong fireout ng mga pamatay-sunog.

Dito, tumambad sa kanilang harapan ang sunog na bangkay ni Hambalos sa loob ng kanyang silid.

Aabot naman sa halagang P84,000 ang natupok na ari-arian.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Dumanjug-BFP para matukoy ang sanhi ng sunog. Mary Anne Sapico

Previous articleAtas ni PBBM sa bagong PNP chief: Terorismo, cybercrime tugunan agad!
Next articlePedicab driver patay sa agawan ng pasahero