Home METRO Pedicab driver patay sa agawan ng pasahero

Pedicab driver patay sa agawan ng pasahero

MANILA, Philippines – PAGTATALO sa pasahero ang nagbunsod para masaksak at mapatay ang isang 62-anyos na Pedicab Driver, makaraang masukol sa follow-up operation ang tricycle driver sa Cayco Street, Sampaloc, Manila nitong Lunes ng umaga, Abril 1.

Namatay sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Carlito Cansino habang natimbog naman ang suspek na kinilalang si Alejandro Quequecan, nasa hustong gulang ng naturang lugar.

Base sa ulat na isinumiti ni Det. Gary Reyes, kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 6:15 ng umaga nang masaksak ang naturang drayber na isang senior citizen sa isang iskinita sa Barangay 433 sa Sampaloc.

Salaysay ng dalawang testigo, habang nakapila ang Pedicab ng biktima nang dumating ang suspek na nakatricycle.

Nagulat na lamang ang dalawang saksi sa mainitang diskusyon ng dalawang drayber.

Inakala ng dalawa na nagtatalo lamang sila subalit laking gulat nito nang saksakin ng suspek gamit ang maliit na lanseta ang biktimang pedicab driver.

Naisugod pa sa Ospital ng Maynila ang matanda pero namatay din ito.

Dahil dito, nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya at nadakip ang papatakas na suspek. Rene Crisostomo

Previous articleBabae naabo sa nasunog na bahay ng biyenan
Next articleWalang kaso ng foot and mouth disease sa bansa – DA