Home NATIONWIDE Walang kaso ng foot and mouth disease sa bansa – DA

Walang kaso ng foot and mouth disease sa bansa – DA

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Agriculture nitong Lunes, Abril 1 na wala pang kaso ng foot and mouth disease sa Pilipinas.

Sa kabila nito, sinabi ng DA na handa silang tumugon sa oras na makapagtala ng kaso nito sa bansa.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Dante Palabrica, ang mga bansang India, Vietnam, Thailand at Indonesia ang nakapagtala ng mga kaso ng foot and mouth disease.

“Right now, we have activated a system of reporting so that at the southern part of the country, mache-check natin ang pagpasok ng foot and mouth (disease,)” ani Palabrica.

Aniya, bumuo na siya ng technical working group para imonitor ang isyu.

Inaasahan din na dumating sa bansa sa Hunyo ang bakuna laban sa foot and mouth disease.

Kalahating milyong doses ang itatago sa DA freezers.

“We’re now studying na mag-stockpile ng bakuna ng foot and mouth (disease). It’s in process by now. Para ‘pag pumutok, meron tayo agad bakuna. Ring vaccination. Ang nangyari sa Indonesia, it took them three months bago maka-react at makakuha ng bakuna,” ani Palabrica.

“’Pag pumasok ‘yan, knock on wood, tatamaan ang cattle at saka baboy. Kung tatama ngayon, easily we can buy the vaccine. There are three companies available,” dagdag pa niya.

Ipinaliwanag ni Palabrica na matagal nang walang naitatalang kaso ng foot and mouth disease sa bansa.

“For decades, hindi tayo nagbabakuna ng FMD so wala sa immune system ng mga alaga nating animal. Stranger ito eh. ‘Pag pumasok ito, sabog talaga ito. Unlike in their (other countries) case, they have been vaccinating.”

Iginiit din ni Palabrica na walang dapat ipag-alala tungkol dito.

“It’s a piece of cake. Ibig sabihin, madaling makontrol ‘yon.” RNT/JGC

Previous articlePedicab driver patay sa agawan ng pasahero
Next articlePaslit nasagip ng PCG mula sa pagkalunod sa Catbalogan