Home METRO Babae patay nang magulungan ng truck sa Malabon

Babae patay nang magulungan ng truck sa Malabon

259
0

MANILA, Philippines – PATAY ang isang babae matapos mahagip at magulungan ng rumaragasang trailer truck sa Malabon City.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng matinding tinamong pinsala sa katawan ang biktimang si alyas “Alaiza”, 26, at residente ng Sitio 6, Brgy. Catmon.

Ayon sa rumespondeng sina P/MSg Bernardo Bernal at P/MSg Raymond Siatrez ng Malabon Police Sub-Station 4, dakong alas-6:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue, Brgy. Catmon.

Lumabas sa imbestigasyon na habang naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang mahagip ito at magulungan ng rumaragasang trailer truck na may plakang NDJ5017.

Matapos ang insidente, isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan nang nagrespondeng rescuers ng Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) subalit, idineklarang dead on arrival.

Naaresto naman ng pulisya ang driver na si alyas “Rodolfo”, 56, residente ng J.P. Rizal St. Tondo Manila at na-impound na rin ang tractor head at hila nitong trailer na walang laman. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here