Home METRO Babae patay sa kidlat sa Maguindanao del Sur

Babae patay sa kidlat sa Maguindanao del Sur

MANILA, Philippines – Patay ang isang babae habang kritikal ang kasama nito nang tamaan sila ng kidlat habang nakasilong sa isang waiting shed sa Pandag, Maguindanao del Sur.

Ayon kay Lt. Ernesto Rivera, Pandag municipal police chief, kinilala ng nasawi na si “Ellaine” at ang kasama nito ay si “Anna” na kapwa residente ng Carmen, Cotabato province.

Sakay ng motorsiklo ay patungo sana ang dalawa sa Tacurong City nang abutan ng malakas na ulan kung kaya’t naisipan ng mga ito na sumilong sa isang waiting shed sa tapat ng Kayaga Elementary School.

Kalaunan ay bigla na lamang tinamaan ng kidlat ang waiting shed na kumitil sa buhay ni Ellaine at nasaktan naman si Anna.

Dinala ng mga awtoridad ang dalawa sa Buluan District Hospital ngunit idineklarang patay si Ellaine.

Nagpapagaling naman si Anna. RNT/JGC