MANILA, Philippines – Magsasagawa ng konsultasyon ang Department of Education (DepEd) kung mananatiling ipagbabawal ang mga dekorasyon sa mga silid-aralan sa mga pampublikong paaralan.
Ang pahayag na ito ni Education Secretary Sonny Angara ay kasabay ng pagbisita niya sa mga paaralan sa Carmona, Cavite, at Muntinlupa City upang suriin ang epekto ng malakas na pag-ulan at baha noong nakaraang lingo.
“Well, we will consult teachers and principals if the policy should be maintained or changed,” ani Angara.
Si Vice President Sara Duterte ang naunang nag-utos ng pagbabawal sa mga dekorasyon sa mga klasrum sa mga pampublikong paaralan nang siya ay kalihim pa ng DepEd.
Kabilang sa mga dekorasyon ay ang visual aids, mga larawan ng mga bayani, at pangulo na layong makatulong na matutukan ng mga estudyante ang kanilang mga guro at aralin. RNT/JGC