Home NATIONWIDE Saturday classes target ng DepEd sa naantalang pasukan

Saturday classes target ng DepEd sa naantalang pasukan

147
0

MANILA, Philippines – Maaaring magsagawa ng Saturday classes ang mga paaralan na naantala ang pagbubukas ng pasukan para sa School Year (SY) 2024-2025 dahil sa epekto ng Bagyong Carina at Habagat para bawiin ang mga nawalang araw ng pasok, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara nitong Lunes, Hulyo 29.

“It’s usually like that; it’s necessary to do make-up classes on the weekend when classes on weekdays are suspended,” ani Angara.

“That’s normal,” dagdag pa nito.

Ayon sa Department of Education (DepEd), hanggang nitong Lunes ay nasa 841 paaralan ang naantala ang pagsisimula ng klase para sa SY 2024-2025.

Metro Manila – 225
Ilocos Region – 95
Central Luzon – 452
Calabarzon – 66
Soccsksargen – 3

Ani Angara, ang bilang ng mga paaralan na naantala ang pagbubukas ng klase ay nasa 2% lamang ng kabuuang bilang ng mga paaralan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here