Home NATIONWIDE DOT, DOH at TIEZA sanib-pwersa sa Tourist First Aid Facilities sa tourist...

DOT, DOH at TIEZA sanib-pwersa sa Tourist First Aid Facilities sa tourist destinations

128
0

MANILA, Philippines – Magtutulungan na rin ang Department of Tourism (DOT), Department of Health (DOH), at ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), upang magtayo ng Tourist First Aid Facilities, isang proyekto sa ilalim ng Administrasyong Marcos na may layuning itaas ang mga pamantayan sa kaligtasan ng mga destinasyong panturista.

Pinangunahan nina DOT Secretary Christina Garcia Frasco, DOH Secretary Teodoro Herbosa, Jr., at TIEZA Chief Operating Officer (COO) Mark Lapid, na kinatawan ni Assistant COO Atty. Joy Bulauitan, ang ceremonial signing ng Memorandum of Understanding (MOU).

Sinaksihan naman ang signing ceremony nina DOT Assistant Secretary Judilyn Quiachon, TIEZA ACOO Atty. Karen Mae Sarinas-Baydo, at DOH Undersecretary Dr. Elmer Punzalan.

Itatayo ang unang set ng Tourist First Aid Facilities sa mga pangunahing destinasyon ng turista tulad ng La Union, Boracay, Siargao, Panglao, Palawan, at Puerto Galera, o sa mga lugar na may mataas na konsentrasyon ng mga turista.

Ang mga pasilidad na ito ay magsisilbing emergency response center para sa mga turistang nakakaranas ng mga aksidente o pinsala sa kanilang pagbisita.

Bibigyan din ang mga pasilidad ng well-tranined healthcare professionals na nilagyan ng mahahalagang medical supply at mga gamot upang matiyak ang maagap at epektibong tulong na pang-emergency.

Bukod pa rito, ang mga pasilidad na ito ay magkakaroon ng pangalawang layunin ng pagbibigay ng preventive care dahil magkakaroon sila ng ikalawang palapag na nagsisilbing lifeguard station o viewing deck upang pangasiwaan ang kaligtasan ng mga turista.

Upang makadagdag sa mga Tourist First Aid Facility na ito, ang solar-powered Tourist First Aid Booths ay ilalagay din sa beachfront areas lalo na sa mahabang mga baybayin, upang matugunan ang mga agarang medikal na pangangailangan ng mga turista nang walang presensya ng mga medical personnel.

Ang mga booth na ito ay lalagyan ng mga supply ng First Aid, automated external defibrillators (AEDs), pullout stretcher, CCTV camera, at two-way communication system na kokonekta sa command center para sa mga emergency calls.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Frasco na sa paglagda ng makasaysayang kasunduan sa pagitan ng mga ahensya, tiniyak nito sa mga tourism stakehokder sa pribadong sektor na makiisa na ginagawa ng administrasyon Marcos sa lahat ng makakaya nito upang mabago ang tanawin ng turismo ng ating bansa tungo sa pandaigdigang kompetisyon.

Ang pinahusay na pangkalahatang karanasan sa turismo, sa huli ay magsisiguro ng mas matagal na pananatili ng mga turista, paulit-ulit na pagbisita, at higit pang mga pagkakataon sa ekonomiya, kabuhayan, at kita para sa ating mga kapwa Pilipino at ang negosyong umaasa sa industriya ng turismo.

Sinabi naman ni Herbosa na karangalan at pribilehiyo ng DOH na makasama ang tourism industry sa ceremonial signing ng Memorandum of Understanding Department of Health, Department of Tourism, at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority sa Tourist Emergency Facilities na ito, lalo na sa natukoy na limang hiyas ng ating bansa.

“Ang inisyatiba na ito, sa direksyon ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ay nagmamarka ng isang makabuluhang hakbang sa ating pangako sa pagpapahusay ng kapakanan ng parehong lokal at internasyonal na mga turista sa Pilipinas,” pahayag ni Herbosa.

Binigyang-diin din ng kalihim ng kalusugan na higit pa sa tungkuling ipakita ang mga natural wonders ng bansa, responsibilidad din ng Kagawaran na tiyakin na ang mga turista ay may agarang access sa pangangalagang medikal at mga emergency services.

“𝘛𝘩𝘦 𝘦𝘴𝘵𝘢𝘣𝘭𝘪𝘴𝘩𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘵𝘰𝘶𝘳𝘪𝘴𝘮 𝘦𝘮𝘦𝘳𝘨𝘦𝘯𝘤𝘺 𝘧𝘢𝘤𝘪𝘭𝘪𝘵𝘪𝘦𝘴 𝘪𝘯 𝘰𝘶𝘳 𝘬𝘦𝘺 𝘵𝘰𝘶𝘳𝘪𝘴𝘵 𝘥𝘦𝘴𝘵𝘪𝘯𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘳𝘦𝘧𝘭𝘦𝘤𝘵𝘴 𝘰𝘶𝘳 𝘨𝘰𝘷𝘦𝘳𝘯𝘮𝘦𝘯𝘵’𝘴 𝘥𝘦𝘥𝘪𝘤𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘱𝘳𝘰𝘷𝘪𝘥𝘦 𝘢𝘤𝘤𝘦𝘴𝘴 𝘵𝘰 𝘩𝘦𝘢𝘭𝘵𝘩 𝘴𝘦𝘳𝘷𝘪𝘤𝘦𝘴. 𝘛𝘩𝘦𝘴𝘦 𝘧𝘢𝘤𝘪𝘭𝘪𝘵𝘪𝘦𝘴 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘯𝘰𝘵 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘦𝘯𝘩𝘢𝘯𝘤𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘢𝘧𝘦𝘵𝘺 𝘰𝘧 𝘰𝘶𝘳 𝘵𝘰𝘶𝘳𝘪𝘴𝘵𝘴 𝘣𝘶𝘵 𝘢𝘭𝘴𝘰 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘳𝘪𝘣𝘶𝘵𝘦 𝘴𝘪𝘨𝘯𝘪𝘧𝘪𝘤𝘢𝘯𝘵𝘭𝘺 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘩𝘦𝘢𝘭𝘵𝘩 𝘵𝘰𝘶𝘳𝘪𝘴𝘮 𝘰𝘣𝘫𝘦𝘤𝘵𝘪𝘷𝘦,” dagdag pa ni Herbosa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here