Home METRO Babaeng abala sa cellphone tinamaan ng ligaw na bala sa Bulacan

Babaeng abala sa cellphone tinamaan ng ligaw na bala sa Bulacan

1
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang  lalaki matapos umanong makabaril ng isang babaeng gumagamit ng cellphone sa harapan ng kanilang bahay sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong hapon ng September 6.

Sa ulat ni PLTCOL Nelson Sardin, hepe ng SJDM police station, nakilala ang suspek na si alyas “Ruiz, 37, walang asawa, walang trabaho, residente ng Brgy. Muzon South.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente bandang 4:30 ng hapon sa Phase 1, Pabahay 2000, Brgy. Muzon South.

Base sa inisiyal na imbestigasyon, habang nakaupo ang biktima sa harapan ng kanilang bahay at gumagamit ng cellphone ay nakarinig ito ng malakas na ingay.

Ilang sandali lang ay napansin niyang tinamaan siya ng ligaw na baka kaya dinala siya agad sa ospital para sa kaukulang gamutan.

Nadiskubreng ang balang tumama sa kanang kamay ng biktima at tumuloy hanggang sa kaliwang tuhod.

Sinasabing bago ang insidente ay nagkaroon umano ng komprontasyon gamit ang baril sa pagitan ng suspek at isang alyas “Adan” na nagresulta sa pagkakatama sa biktima bilang collateral damage.

Naaresto naman sa follow up operation ng mga awtoridad ang suspek habang nasamsam din ang improvised shotgun o “sumpak” na may nakapasok na shotgun empty shell.

Nasa kustodiya na ng istasyon ang suspek na sinabihan ng kanyang mga karapatang konstitusyonal na nahaharap sa kaukulang mga kaso. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here