MANILA, Philippines- Inaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng Chinese national na umano’y sangkot sa ilegal na POGO operations.
Kinilala ni BI intelligence division chief Fortunato Manahan Jr. ang naaresto na si Pan Meishu alyas Hannah, 49, sa isang hotpot restaurant sa Pasay City.
Nabatid sa BI na si Pan ay iniuugnay sa isang illegal offshore gaming operations sa Zun Yuan Technology sa Bamban, Tarlac na unang siinalakay ng mga awtoridad dahil sa criminal at human trafficking activities.
Ang Zun Yuan ay dating Hongsheng Gaming Technology Inc., ay bahagi sa imbestigasyon na iniuugnay kay Bamban Mayor Alice Leal Guo.
Siya ay inaresto ng mga awtoridad nang natiktikan na naroon siya sa lugar.
“These companies doing illegal activities have no place in the country,” ayon kay BI Commissioner Joel Anthony said Viado.
“Expect more arrests as we crackdown on illegal POGO operations,” dagdag pa nito. JR Reyes