Home METRO Babaeng dalaw kulong sa shabu na itinago sa maselang parte ng katawan

Babaeng dalaw kulong sa shabu na itinago sa maselang parte ng katawan

MANILA, Philippines – SWAK sa selda ang isang babae matapos mabisto ng Jail Officer ang shabu na itinago umano niya sa kanyang maselang parte ng katawan sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan City Jail (CCJ) Warden J/Supt. Jerome Verbo, dakong alas-3:30 ng hapon nang dumating ang suspek na si alyas “Jezyl” sa CCJ sa Talimusak corner Tanigue St., Kaunlaran Village, Dagat-Dagatan para dalawin ang PDL na si alyas “Ryan” na nakakulong sa naturang detention facility dahil sa paglabag sa RA 10591.

Gayunman, nang kapkapan siya ni JO1 Eme Rose Bautista ay nadiskubre sa maselang bahagi ng katawan ng suspek ang 60 pirasong stick ng Marlboro red cigarette, anim na transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at dalawang aluminum foils.

Inaresto ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Rene Manahan