Home METRO Babaeng drayber ng nasunog na kotse sa EDSA, ligtas sa good samaritan

Babaeng drayber ng nasunog na kotse sa EDSA, ligtas sa good samaritan

MANILA, Philippines – HIMALANG nakaligtas sa naglalagablab na apoy ng nasusunog na kotse ang babaeng driver nito sa Magallanes, northbound ng EDSA umaga ng Lunes, Marso 3.

Nagdulot naman ng matinding trapik sa EDSA ang nangyaring insidente ng pagkasunog ng kotse.

Hindi pa malaman sa ngayon ang pangalan ng babaeng driver na nataranta sa insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing nakita na lang ng ilang saksi ang makapal na usok at pagliliyab ng kotse sa bahagi ng hood nito kaya agad nilang sinenyasan ang lady driver at mabilis na pumara at bumaba ito.

Nang makalabas ng kotse, naglagablab ng tuluyan sa pagkasunog ang naturang sasakyan.

Mabilis namang nakaresponde ang DasmariƱas Fire and Rescue at inagapang maapula ang apoy ng nasusunog na kotse sa bahagi ng northbound ng Magallanes Interchange.

Kasalukuyan pang sinusuri ng mga imbestigador ang insidenteng pagkasunog ng kotse sa nabanggit na lugar. Dave Baluyot