MANILA, Philippines – Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga mahahalaga ng kontribusyon ng kababaihan sa mabuting pamamahala at nation building.
Ginawa ni Go ang pahayag matapos siyang dumalo sa pagdiriwang ng Women’s Month ng Lady Local Legislators’ League (Four-L) of the Philippines 2025 National Assembly noong Linggo sa Novotel Manila sa Quezon City.
May theme na “Women Leadership: Recognizing the Power of Women in Nation Building”, tinatayayang 200 lady legislators, kinabibilangan ng vice governors, sangguniang panlalawigan members, sangguniang panlungsod members, sangguniang bayan members, sangguniang barangay, and sangguniang kabataan chairpersons ang dumalo sa okasyon.
Sa kanyang talumpati, pinuri ni Go ang dedikasyon at pamumuno ng mga babaeng mambabatas at binigyang-diin ang kanilang mahalagang papel sa paghubog ng mga polisiya, pagpapaunlad ng inklusibong pamamahala, at pagpapalakas sa mga komunidad.
“Mga superstar kayo sa sarili ninyong karapatan. Pare-pareho po tayo, hinalal po tayo. Kaya unahin natin ‘yung kapakanan ng ating kababayan. Ako po, mataas po ang respeto ko sa inyo. And of course, mataas ang respeto ko sa kababaihan,” ani Go.
Kinilala rin niya ang kababaihan sa kanilang papel sa mga sariling kabahayan. “Kayo naman talaga nasusunod kapag sa bahay. Kaya kayo tinatawag na commander pagdating sa bahay dahil totoo naman po.”
Bilang isang re-electionist, muling pinagtibay ni Go ang kanyang pangako sa pagsusulong ng mga patakarang magpapasigla sa kababaihan.
Tiniyak niya na kung bibigyan ng bagong mandato, patuloy niyang ipaglalaban ang kanilang mga layunin at magbibigay ng mas malakas na suporta para sa mga hakbang na magtataguyod ng kapakanan ng kababaihang Pilipino.
“Bukas po ang aking opisina sa inyo. Mga kababaihan, lady legislators, kung ano pong batas o bill na gusto ninyong isulong ko para protektahan ang inyong karapatan at kapakanan. Isulong po natin ang pagpapalawig pa ng inyong serbisyo at nandirito lang po ang inyong senador “Kuya Bong Go” na handang tumulong sa inyo sa abot ng aking makakaya,” anang mambabatas.
Si Go ay masugid na tagapagtaguyod ng kapakanan ng kababaihan dahil isa siya sa mga may-akda at co-sponsor ng RA 11861, na nag-amyenda sa RA 8972, o ang Expanded Solo Parents’ Welfare Act para mabigyan ng karagdagang benepisyo ang solo parents na karamihan ay babae.
Pinuri niya ang mga opisyal ng Lady Local Legislators’ League of the Philippines, sa pangunguna ni Vice Governor Christine Garin of Iloilo Province bilang President, Councilor Kate Abigael Coseteng ng 3rd District of Quezon City bilang Executive Vice President, Board Member Mila Lauigan ng 3rd District of Cagayan bilang Secretary General, Vice Governor Mei Ling Quezon of Siquijor Province bilang Treasurer, Vice Governor Glenda Ong Bongao of Albay Province bilang Public Relations Officer, Vice Governor Maricar Sison Goteesan of Eastern Samar Province bilang Vice President for Visayas, and Board Member Charina “Lovely” Izquierdo-Isahac ng 1st District of Sulu bilang Vice President for Mindanao.
Patuloy na binibigyang kapangyarihan ng Lady Local Legislators’ League of the Philippines ang kababaihan mga sa gobyerno sa pagsusulong ng mga patakarang nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng kasarian, mabuting pamamahala, at inklusibong pamumuno sa lahat ng antas ng lipunan. RNT