CEBU CITY-SUGATAN ang isang hinihinalang drug courier matapos pagbabarilin ng dalawang suspek habang ang una ay naghahatid ng iligal na droga sa kanyang parokyano, iniulat kahapon, Marso 2 lungsod na ito.
Tugis naman ng pulisya ang dalawang suspek na sina Wilfredo Pologon Nadera alyas Fredo, taga-Sitio Paradise 2, Barangay Kinasang-an, Cebu, at Melchor Burlayan, taga-Sitio Fatima, Barangay Basak Pardo.
Batay sa report ng Inayawan Police Station, bandang 8:20 PM noong Sabado naganap ang pamamaril sa Sitio Tagunol, Barangay Basak Pardo.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, maghahatid sana ang biktima ng shabu sa kanyang parokyano na ang umorder ay isang Person Deprived of Liberty na nasa loob ng Cebu City Jail, Barangay Kalunasan.
Subalit, pagdating sa nasabing lugar bigla na lamang itong pinagbabaril ng mga suspek na tinamaan sa katawan.
Sa kabila ng mga tama sa katawan nagawa pang makatakbo ni Carcedo at nakahingi ng tulong sa mga residente at dinala ito sa naospital.
Mabilis naman tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon at positibong kinilala ang mga ito ng mga nakasaksi sa pangyayari.
Nagpapatuloy naman ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya para alamin kung may koneksyon si Carceda sa mga suspek.
Inaalam na rin ng mga awtoridad kung saan kinukuha ni Carcedo ang suplay nitong droga. Mary Anne Sapico