Home NATIONWIDE Ulat na donasyon ng Chinese spies sa PNP, LGUs bubusisiin ng Malakanyang

Ulat na donasyon ng Chinese spies sa PNP, LGUs bubusisiin ng Malakanyang

MANILA, Philippines – PAG-AARALAN ng Malakanyang ang napaulat na donasyon ng umano’y Chinese spies sa dalawang police forces at isang local government unit (LGU).

”As of now, pag-aaralan po natin ‘yan kung ito po ay naging donasyon in good faith, kailangan po talaga natin malaman dahil hindi naman po masama tumanggap ng donasyon,” ayon kay Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro.

Nabanggit din na sa kasagsagan ng pandemiya, nag-donate din ang Tsina ng ambulansiya sa lokal na pamahalaan ng Davao City.

”Wala pong masama kung tatanggap ng donasyon if it’s done in good faith. Kung ito naman po pala ay ibinigay pero mayroong kakaibang dahilan for that, kailangan po natin imbestigahan ‘yan kung sino man po ‘yung mga tumanggap na mga opisyal na LGU dapat siguro malaman natin para di na po maulit kung sila man po ay nagagamit, kung di man nila alam na nagagamit sila,” ang sinabi ni Castro.

Sa kabilang dako, sa isang ekslusibong report ng Reuters, nakasaad dito na may tatlong Chinese nationals ang inakusahan ng espionage, lider ng socio-civic groups ang nag-donate sa city of Tarlac at sa dalawang police forces.

Sinasabing, may limang Chinese national ang dinitenado ng Philippine investigators nito lamang Enero di umano’y nagtipon ng mga imahe at mapa ng Philippine naval forces malapit sa South China Sea.

Sinabi naman ng mga awtoridad ng Pilipinas na ang exposé ay maaaring mag-trigger ng “closer scrutiny” ng foreign socio-civic groups’ activities sa bansa.

Samantala, tinitingnan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group ang bagay na ito. Kris Jose