Home METRO Babaeng ga-graduate sa kolehiyo kinabukasan nahulog sa tricycle, todas

Babaeng ga-graduate sa kolehiyo kinabukasan nahulog sa tricycle, todas

1
0

BULACAN, Philippines – Patay ang isang babaeng 23 anyos na ga-graduate sa kolehiyo kinabukasan nang mahulog umano sa sinasakyang tricycle sa bayan ng Balagtas nitong gabi ng Miyerkules.

Sa ulat at base na rin sa kuha ng CCTV pasado 11:00 ng gabi nitong Miyerkules ay nakitang sumakay ang biktimang si alyas “Polen” sa isang tricycle sa Brgy. Borol 2nd.

Ayon sa ulat, ilang sandali lang ay isang malakas na sigawan ng  ilang residente ang umalingawngaw nang marinig ang malakas na lagapak sa kalsada mula sa kuha ng isa pang CCTV na nakatutok sa kalsada.

Sa isa pang anggulo, huminto sa di-kalayuan ang tricycle at bumaba ang driver para tignan umano ang nangyari subalit nahulog na umano ang babaeng pasahero.

Imbes na huminto ay nagtuloy-tuloy pa umano sa pagpapatakbo ang driver na napag-alamang may kasama sa loob ng tricycle.

Huminto lamang ang mga ito nang habulin sila ng isang pang tricycle driver kaya nagawa nilang balikan ang biktimang wala ng malay at dinala sa isang clinic.

Nabatid na wala umanong sapat na gamit ang clinic kaya pinayuhan silang dalhin ito sa ospital subalit bago nila dinala ay pumunta muna sila sa Tanod para humingi ng tulong.

Mga ilang minuto rin ang itinagal bago dalhin ang biktima sa kanyang kaanak na nagpasyang dalhin sa ospital para sa paunang lunas subalit namatay na ito kalaunan dahil sa pagkakabagok.

Sinasabing ang kaanak ng biktima ay iba ang paniwala sa kanyang pagkamatay.

Hindi kumbinsido ang ilang kaanak dahil sa paliwanag ng isa pang kasamahang pasahero ng driver sa loob ng tricycke na kaya hindi niya nakitang tumalon ay napuwing ang mata nito.

Patuloy umano ang imbestigasyon habang itinuturing na umano ang tricycle driver at isa pang pasahero na napagalamang magkapatid bilang mga suspek, ayon na rin sa ulat ng pulisya.

Kaugnay nito, sa isang Facebook post ng isa sa mga suspek ay sinabing handa siyang makipagtulungan sa pamilya at iginiit na wala silang kasalanan. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here