MANILA, Philippines – Sugatan ang isang babae na naglalakad lamang sa kahabaan ng Quintin Paredes Street sa Binondo, Maynila matapos mabagsakan ng bakal mula sa isang constructuction site.
Sa inisyal na ulat, naglalakad lamang sa bangketa ang biktima na tinatayang nasa edad 20 pataas nang biglang may mahulog na isang mahabang tubong bakal at nabagsakan sa ulo.
Ayon sa isang guwardiya ng isang establisyimento na nakasaksi sa pangyayari, nagulat na lamang siya nang biglang may kumalabog at nakita ang biktima na tinamaan.







