MANILA, Philippines – Hindi ikinokonsidera ng pamahalaan ang implementasyon ng fuel rationing scheme kasabay ng tensyon sa Middle East, ayon kay Energy Secretary Sharon Garin nitong Biyernes, Abril 10.
”We never discuss it, we never consider it,” ani Garin sa press briefing nang tanungin kung posible ang implementasyon nito dahil sa fuel price hikes.
Kamakailan ay hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang DOE na pag-aralan ang posibilidad ng pagpapatupad ng fuel rationing scheme dahil sa mga balakid na dala ng tensyon sa Middle East.
Ayon kay Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT), sa preliminary report ay lumabas na ang pagrarasyon ay maaaring magpahaba pa ng fuel supply ng bansa at maiwasan ang hoarding sa panahon ng krisis.
Pagpapatuloy ng mambabatas, ang polisiyang ito ay maaaring panatilihin hanggang sa mas maging stable na ang suplay ng langis sa bansa. RNT/JGC