Home NATIONWIDE ‘Di lang China: Pinas makikipagtulungan din sa ibang bansa sa joint oil...

‘Di lang China: Pinas makikipagtulungan din sa ibang bansa sa joint oil and gas exploration

131
0

MANILA, Philippines- Nakikipagtulungan din ang Pilipinas sa iba pang mga bansa hindi lamang sa China, pagdating sa posibleng joint oil at gas exploration, ayon kay Energy Secretary Sharon Garin nitong Biyernes, Abril 10.

Matatandaan na noong Marso ay sinabi ng Chinese Embassy na mayroong usapan sa pagitan ng Pilipinas at China sa posibleng joint oil at gas exploration sa South China Sea.

Ani Garin, bagamat masaya ang pamahalaan sa usaping ito ay maaari rin makipagtulungan ang Pilipinas sa iba pang mga bansa sa joint oil exploration at hindi lamang sa China.

“Now, the joint exploration with China and Philippines, whichever contract, service contract will be, that’s welcome naman. Currently, wala pa pong concrete contract kung ano po. Actually, it’s not just China that we are working with. Just so happens that one contract is like beside the nine-dash line. So there might be a need to work together,” ani Garin.

Binanggit din niya na pumirma si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng iba pang service contracts sa posibleng exploration sa oil, natural gas at hydrogen.

“So, nandiyan na po iyong mga kontrata na iyan. It’s maybe [a situation that] some are with some Chinese partners, but most of that are different countries of partners, Australia, UK, Israel. Iba’t iba po. Hindi po isang bansa lang ang puwede tayong mag-partner. We can partner with countries that are capable of doing exploration,” aniya.

Sa datos ng Department of Energy noong 2020, nakita na ang West Philippine Sea ay mahigit anim na milyong bariles ng langis at mahigit pitong bilyong cubic feet ng natural gas na tinukoy bilang undiscovered resources.

Kabilang sa mga lugar na pinaniniwalaang mayaman sa natural gas ay ang Recto Bank na pasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas ngunit inaangkin din ng China. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here