Home METRO Babaero sa Malabon pinagbabaril, patay!

Babaero sa Malabon pinagbabaril, patay!

94
0

MANILA, Philippines – Ang pagiging babaero ‘di umano ang tumapos sa buhay ng isang 22-anyos na mekaniko nang pagbabarilin ng dalawang kalalakihan di kalayuan sa tinitirhan nito, napaulat sa Malabon City.

Dead on the spot ang biktimang kinilala lamang sa alyas na “Ranny” matapos itong pamalasan ng tama ng bala sa ulo at katawan nito.

Nakatakas naman ang dalawang ‘di pa nakilalang suspek patungong Sitio Gulayan ng Brgy Catmon.

Alas 3:30 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa biktima malapit sa bahay nito.

Ipinaparada ng biktima ang kanyang motorsiklo nang lapitan ng mga suspek at pagbabarilin ng apat na ulit sa di pa batid na kalibre ng baril.

Base sa inisyal na report mula sa tanggapan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, ilang mga anggulo ang tinitingnan ng pulisya sa posibleng motibo ng pamamaslang, kabilang ang pagkakasangkot ng biktima sa ilegal na aktibidad at ang umano’y pagiging babaero nito.

Minsan na ring kinasuhan ng rape si alyas Ranny mahigit tatlong taon na ang nakararaan subalit nadismiss matapos na hindi na makadalo sa mga pagdinig ang biktima.

Ayon pa sa ulat, di naman kagandahang lalaki ang biktima subalit, matipuno at maboladas naman ito kaya’t madaling makabingwit ng kababaihan.

Nasangkot din umano sa ilang ilegal na aktibidad ang biktima kaya’t ito rin ang isa sa sinisilip na motibo ng pulisya sa nangyaring pamamaslang.

Puspusan ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya upang madakip ang mga suspek at papanagutin sa naturang kaso. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here