Home METRO M’danao flood victims agad inayudahan

M’danao flood victims agad inayudahan

MANILA, Philippines – Matapos masalanta ng baha dulot ng mga pagulan agad nagbigay ng direktiba si Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mga regional directors ng ahensya na sakop ng SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani and General Santos City) at Zamboanga peninsula na agad magbigay tulong sa mga biktima sa nasabing rehiyon.

Sa direktiba, iniutos ng Kalihim ang agarang pamamahagi ng mga prepositioned family food packs (FFPs) para sa mga pamilya at indibidwal na naapektuhan ng pagbaha.

Sa report, natanggap ng DSWD Field Office 12 (SOCCSKSARGEN) at Field Office 9 (Zamboanga Peninsula) ang mga augmentation FFPs sa mga apektadong lugar, kabilang na rito ang Maguindanao del Norte na may 12,518 affected families; Maguindanao del Sur 45,117 families; Lanao del Sur 4,874 families at 13,045 families naman sa mga malalayo at liblib na lugar.

“In line with the directive of Secretary Rex Gatchalian, we continue to coordinate with the concerned LGUs to determine the actual extent of the weather disturbance and to identify other interventions that can be provided to the affected families to ensure that they can cope with the effects of the southwest monsoon,” sabi ni DSWD Asst. Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) at Spokesperson Irene Dumlao.

Samantala, magkatuwang na nagsasagawa na rin ng mabilisang relief operations ang mga tauhan ng DSWD SOCCSKSARGEN regional office at Disaster Response Management Division (DRMD) upang tugunan ang mga pangangailangan ng apektadong residente.

Gayundin, tuloy tuloy ang validation at assessment operations ng mga social workers ng Field Office sa mga lugar ng Sultan Kudarat at Sarangani.

Sa report nagsasagawa ng asessment at validation sa mga munisipalidad ng Kiamba at Maitum sa Sarangani, Lebak, Kalamansig, at Palimbang naman sa Sultan Kudarat.

Kaugnay nito sa kasalukuyan,nakapamahagi na ang mga tauhan ng Field Office 12 DRMD team ng 3,983 boxes ng family food packs (FFPs) sa mga apektadong pamilya sa Lanao del Sur at Maguindanao del Norte.

Samantala, tiniyak naman ni Asst. Secretary Dumlao na sapat ang relief supply ng ahensya upang matugunan ang mga kailangan ng apektadong pamilya sa nabanggit na mga lugar.

Batay sa isinumiteng report ng DSWD Field Office-9, halos 5,092 families o 18,875 individuals mula sa 30 barangays sa Zamboanga Del Norte at Zamboanga Del Sur ang apektado ng tuloy tuloy na pagbuhos ng ulan na naging sanhi ng mga pagbaha.

Sa ulat may 4,842 families o 17,941 indibidwal ang kasalukuyang nanunuluyan sa mga evacuations centers.

Habang mahigit naman sa 200 families o 900 individuals ang nabigyan ng relief assistance at hindi na kailangang dalhin pa sa mga evacuation center. Ang DSWD Zamboanga Peninsula ay may standby fund na mahigit sa Php115 million. (Santi Celario)