Home METRO Babaero tinagpas ng obrero

Babaero tinagpas ng obrero

COMPOSTELA CITY-PUTOL ang ulo ng isang foreman na kilala umanong babae matapos tagpasin sa leeg ng kanyang kasamahan construction worker makaraan mahuli ang una ng huli na karelasyon nito ang asawa, kahapon, Pebrero 1 sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Rodel Solamo, taga-Barangay Cantumog, Carmen City habang nadakip naman ang suspek na si Julito Camanse, 43, residente ng Barangay Licos, Danao Ctiy.

Batay sa report ng Compostela City Police Station, bandang 2:00 PM nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa daan na sakop ng Purok 7, Barangay Dapdap, ng naturang lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang krimen umiinom ang biktima sa isang tindahan at makalipas ang ilang oras ay hinatid nito pauwi ang kanyang nobya na kilala sa pangalang Jessel.

Habang naglalakad ang biktima pabalik ng tindahan bigla na lamang itong inabangan ng suspek na armado ng itak at tinigpas ang leeg na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan .

Tumakas naman ang suspek pauwi sa kanilang bahay subalit naiwan nito ang kanyang tsinelas sa pinangyarihan ng krimen na naging sanhi ng pagkakadakip nito.

Sa himpilan ng pulisya, inamin ng suspek ang krimen at sinabing may kinikimkim siyang galit sa biktima matapos mahuli niyang karelasyon nito ang kanyang misis tatlong buwan na ang nakalipas.

Nahaharap ngayon sa kasong pagpatay ang suspek sa Compostela Prosecutor’s Office. Mary Anne Sapico