Home METRO 2 binatang orbrerong dumekwat ng arinola kalaboso

2 binatang orbrerong dumekwat ng arinola kalaboso

Bulacan – Arestado ang dalawang binatang construction worker matapos umanong magnakaw ng urinola sa isang tindahan sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Regie, 20 at alyas Leonard, 21 kapwa residente ng Brgy. Gaya-gaya.

Sa report ng SJDM police station, naganap ang insidente bandang 12:30 ng tanghali nitong January 28 sa isang sari-sari store sa Brgy. Muzon South.

Ayon sa imbestigasyon, nagulantang ang may-ari ng tindahan na nagngangalang MM nang mamataang lumalabas sa tindahan ang mga suspek na bitbit ang urinolang naglalaman ng P1,100 pinagbentahan.

Nabatid na hindi nasiraan ng loob ang biktima na agad nakahingi ng saklolo sa barangay kaya nahuli ang mga suspek na kalaunan ay isinuko sa pulisya.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III