CEBU- PATAY ang isang ex-convict matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay nagpapahinga sa kanyang traysikel, kahapon, Pebrero 1 sa lungsod ng Talisay.
Kinilala ang biktimang si Jeffrey Delantar alyas Par, 33, Purok Tubig, Sitio Ilang-Ilang, Barangay Lagtang, ng nasabing lungsod.
Batay sa report ng Talisay City Police Station, bandang 2:45 PM ng Pebrero 1, 2025, naganap ang krimen sa Sitio Tigib, ng nabanggit na barangay.
Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nagpapahinga sa ilalim ng puno ang biktima sa kanyang pampasadang traysikel.
Dito, bigla na lamang dumating ang armadong suspek at pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan ng naging sanhi ng agaran nitong kamatayan saka mabilis na tumakas.
Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo o kung may kinalaman sa illegal na droga na dating kasong kinasasangkutan ng biktima. Mary Anne Sapico