Home METRO Top 10 MWP na bebot tiklo sa Muntinlupa

Top 10 MWP na bebot tiklo sa Muntinlupa

MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Muntinlupa City police Station Warrant and Subpoena Unit (WSU) ang Top 10 most wanted person (MWP) sa station level ang isang babaeng sangkot sa ilegal na droga bago mananghali ng Sabado, Pebrero 1.

Kinilala ng Muntinlupa City police ang nadakip na suspect na si alyas Evelyn, 55, vendor, residente ng Barangay Alabang, Muntinlupa City.

Ayon sa report na natanggap ni Southern Police District (SPD) director PBGEN Manuel Abrugena, naging matagumpay ang pagdakip sa suspect bandang alas 11:30 ng umaga sa kanyang bahay sa Barangay Alabang, Muntinlupa City.

Naisakatuparan ang pag-aresto sa suspect sa bisa ng inisyung warrant of arrest na inilabas noong Enero 24, 2025 ni Muntinlupa City Reginal Trial Court (RTC) Acting Presiding Judge Desiree Gertrude G. Orquiola-Moldez ng Branch 206.

Si alyas Evelyn ay mayroong kinakaharap na kasong paglabag sa Article II, Section 13 (Possession of dangerous drugs during parties, social gatherings, or meetings); at Article II, Section 14 (Possession of equipment, instruments, apparatus, and other paraphernalia for dangerous drugs during parties, social gatherings, or meetings) na nakapailalim sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ng 2002 (RA 9165).

Kasalukuyang nakapiit ang suspect sa custodial facility ng Muntinlupa City police habnag naghihintay ng commitment order galing sa korte para sa paglilipatan ng kanyang pagkukulungan sa Muntinlupa City jail. James I. Catapusan