Manila, Philippines- Finally, bida na sa isang short film ang producer ng BG Films International na si Baby Go.
Siya kasi ang napili ng line producer na si Dennis Evangelista para bumida sa isang short film titled as Madam.
Ang pelikula ay fictional ngunit partly ay nangyari rin talaga sa buhay ni Go.
Kasama sa pelikula sina Allen Dizon, Rico Barrera, at Kate Brios, written and directed by Ralston Jover.
In fairness kay Madam Baby (Madam ang tawag ng mga malalapit na kaibigan ni Go), puro take 1 ang kanyang eksena at hindi nahirapan si Direk Ralston sa kanya.
For the record ay nakagawa na ng 17 movies ang BG Films at sa bawat pelikula ay may cameo role si Go.
Kaya ngayon lang talaga siya nagbida sa kanyang pelikula na malamang ay ilaban din sa international filmfest gaya ng ginawa sa kanyang mga nagawang pelikula.
Kaya naman ngayon, it is safe to say na si Madam Baby ay hindi lang producer kundi isa na ring full pledge actor. JP Ignacio