Home ENTERTAINMENT Herlene, nangaroling kay Jose Mari, binigyan ng P1k!

Herlene, nangaroling kay Jose Mari, binigyan ng P1k!

Manila, Philippines- “Chanta Claus.”

Ito ngayon ang tawag ni Herlene Budol kay Jose Mari Chan matapos siyang mangaroling dito on national TV.

Sa tanang buhay raw niya’y ngayon lang nakatanggap ng pamaskong isanlibong piso ang sexy comedienne mula sa caroling.

Guest kasi ang binansagang Father of Christmas Songs sa TiktoClock kung saan isa sa mga host si Herlene.

Hinilingan ni Herlene si JMC na kung maaari y mag-duet sila ng classic hit nitong Christmas in Our Hearts.

Nagpaunlak naman ang singer-composer.

Pagkatapos ay nangaroling pa si Herlene.

Pero hindi pa niya natatapos ang kanta’y bumunot na ng P1K si JMC, na labis ikinatuwa ni Herlene.

Sa galak nga’y nangako ang komedyana na hindi niya gagastusin ang napamaskuhan.

Itatabi raw niya ito bilang remembrance.

Mula nang pumasok ang unang araw ng Setyembre’y kabi-kabila ang mga TV at vlog appearances ni JMC.

Ito rin ang simula ng pagpapatugtog ng kanyang tanyag na Christmas in Our Hearts.

Duet nila ito ng kanyang anak na si Liza Chan.

JMC’s original choice was Lea Salonga pero hindi ito pinayagan ng record label nito.

Samantala, minsan nang inamin ni JMC na naaaliw siya sa maraming memes ng nasabing awitin na nagsisimulang pumailanlang pagsapit ng September 1.

Ito rin ang hudyat ng pagsisimula ng longest Christmas season na ipinagdiriwang sa Pilipinas. Ronnie Carrasco III