Movie producer and businesswoman Baby Go is gunning for a seat in congress dahil tatakbo siya bilang representative ng Bagong Pilipinas partylist as third nominee.
Marami nga ang nagulat sa desisyon ni Madam Baby lalo’t nag-file ng Certificate of Candidacy (COC) ang grupo on the last day of filing, Oct 8.
FYI ay matagal nang tumutulong si Madam Baby through PC Goodheart Foundation na siya rin ang chairman.
Naging active ang PC Goodheart nu’ng panahon ng pandemic at nagtuloy-tuloy ang kanilang medical mission at feeding program sa kung saan-saang bahagi ng bansa.
Marami na ring estudyante ang napagtapos ng PC Goodheart kaya hindi na rin bago kay Madam Baby ang public service.
So, does it mean na iiwan na ni Madam Baby ang pagpo-produce ng pelikula via her BG Films International kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataon na makaupo sa kongreso?
“Of course not! Hindi ko iiwan ang showbiz dahil malaki ang utang na loob ko dito.
“Marami na akong nagawang award winning films at patuloy pa rin tayong gagawa ng pelikula para makatulong na rin sa mga taga-industriya,” sabi pa ni Go.
Ayun! At least ay naging maliwanag na ang lahat dahil hindi naman pala iiwan ni Madam Baby ang showbiz.
Fact is, katatapos nga lang ng short film ng BG films titled Madam na siya mismo ang bida.
Goodluck sa bago mong journey sa politika, Madam. JP Ignacio