Home NATIONWIDE Interior chief Remulla aprub sa PNP

Interior chief Remulla aprub sa PNP

MANILA, Philippines – Ikinatuwa ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakatalaga kay Jonvic Remulla bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Si Remulla ay gobernador ng Cavite mula 2010 hanggang 2016 at mula 2019 hanggang 2024.

“We’re pretty sure na kung ano man ang experience niya bilang local chief executive ng probinsya ng Cavite, gagamitin niya ito at dadalhin niya sa pagsisilbi bilang [secretary of the DILG],” ani PNP spokesperson BGen. Jean Fajardo.

“Nais ng PNP na ibigay ang aming buong suporta sa kanya tulad ng ginawa namin sa mga nakaraang [DILG secretaries] na naglingkod,” dagdag ni Fajardo.

Si Remulla noong Martes ay humalili kay dating Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr., na nagbitiw sa kanyang puwesto noong Lunes para makipaglaban sa puwesto sa Senado sa 2025 elections. RNT