Home NATIONWIDE Baby tinulungan ni Bong Go maopera sa puso

Baby tinulungan ni Bong Go maopera sa puso

153
0

MANILA, Philippines – Isang ginang, Raquel Mateo, 46, ng Pandacan, Manila, ay palaging bumibisita sa Philippine Heart Center sa Quezon City kung saan naka-admit sa pediatric intensive care unit ang kanyang apo na si Caleb.

Si Caleb, isang sanggol,ay na-diagnose na may tricuspid valve disease—isang bihira at kritikal na congenital heart condition.

Matapos ang isang regular check-up, agad in-admit sa ospital si Caleb. Kinabahan sa mga gagastusin, si Raquel at ang kanyang pamilya ay nakahanap ng pag-asa sa Malasakit Center—isang one-stop shop na tumutulong sa mahihirap na sa kanilang mga bayarin sa ospital.

“…Nagkaroon po kami ng mga balita regarding sa Malasakit Center na marami pong natutulungan dito sa ating bansa,” ang kuwento ni Raquel.

Si Sen. Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program.

Sa kasalukuyan, 167 Malasakit Centers ang operational sa buong bansa, at nakahandang tumulong sa mga gastusin sa pagpapagamot ng mga pasyente.

Iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagbigay na ng tulong ang Malasakit Center program sa mahigit 17 milyong Pilipino.

Sa pamamagitan ng isa sa Malasakit Center, si Raquel ay nakahanap ng ginhawa—hindi lang sa pinansyal, kundi maging sa emosyonal, at sikolohikal.

Bukod sa Malasakit Centers, muling idiniin ni Go, chair ng Senate committee on health and demography, ang kanyang pangako na patuloy na susuportahan ang pagtatatag ng mas marami pang Super Health Centers sa buong bansa, upang mabawasan ang rate ng occupancy sa mga ospital habang inilalapit ang mga pangunahing serbisyong medikal sa grassroots.

Ang Super Health Centers ay idinisenyo upang tumugon sa pangunahing pangangalaga, konsultasyon, at maagang pagtuklas ng mga sakit, lalo sa mahihirap na komunidad.

Siya rin ang pangunahing sponsor at isa sa mga may-akda ng Republic Act No. 11959, mas kilala rin bilang Regional Specialty Centers Act.

Iniuutos ng batas ang pagtatatag ng mga regional specialty center sa loob ng mga kasalukuyang ospital ng Department of Health (DOH).

“Ang kalusugan ay kayamanan. Dapat tayong magtulungan upang mailapit ang dekalidad na serbisyong medikal sa ating mamamayan, partikular sa mahihirap na pasyente. Ang kalusugan ay katumbas ng buhay ng bawat Pilipino,” deklara ni Go sa kanyang proklamasyon bilang muling halal na senador noong Mayo 17. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here