Home NATIONWIDE Badyet ni Sara sa school bag, libro, ibasura; regular budget ikasa –...

Badyet ni Sara sa school bag, libro, ibasura; regular budget ikasa – Koko

104
0

Hindi na dapat magpatumpik-tumpik ang Kongreso kundi ibasura ang lahat ng hinihinging badyet ni Vice President Sara Duterte sa pamamahagi ng school bags, libro atbp bagkus ibigay ang regular na pondo sa tanggapan, ayon kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III.

Sa pahayag, sinabi ni Pimentel na hindi dapat kumilos ng tigasin ang Kongreso at sa halip gampanan ang tungkulin at kapangyarihan nito sa ilalim ng Saligang Batas na ibasura ang non-essential budget na trabaho ng ibang ahensiya.

“Congress should take seriously Vice President Sara Duterte Carpio’s statement that she would leave it with Congress what to decide with her budget. Duterte-Carpio is requesting P2 billion budget of her office for 2025,” ayon kay Pimentel.

“Ang sabi niya, I will leave it to Congress kung anong gagawin sa budget ko at iyon ay paulit-ulit, that means seryoso siya ron. Sinabi rin niya yun sa Senate. Hindi lang ngayong Congress niya sinabi iyon, sinabi rin niya last year iyon, in a more respectful way,” dagdag niya.

“Eh di dapat magpakitang gilas ang Congress. Hindi yung patapang-tapang pero pagkatapos as is din pala ang budget,” giit pa ng senador.

Ayon kay Pimentel, paulit-ulit na inihayag ni Duterte na payag siyang ipaubaya sa kamay ng Kongreso ang kahihinatnan ng badyet ng OVP.

Giit ng senador na dapat hindi lamang umaastang matigas ang Kongreso, bagkus gamitin ang kapasyahan at kapangyarihan nito sa badyet na iakma ang budget ng OVP sa kanyang constitutional mandate.

“Congress shouldn’t just act tough during hearings and then approve the budget as is. If you’re going to show strength, follow through by making sure the budget aligns with the Vice President’s constitutional role,” aniya.

Nakatakda sa 1987 Constitution na aakto ang bise president na gampanan ang tungkulin ng Panguo sakaling mamatay, mabalda, matangga o magbitiw sa tungkulin ang kasakuyang chief executive.

“The Vice President’s primary responsibility is to be ready to assume the presidency at any moment, as mandated by the Constitution,” aniya.

Dapat gamitin ang badyet ng OVP sa kailangang preparasyon tulad ng seminars, briefings, at iba pang aktibidad upang matiyak na handa siyang akuin ang responsibilidad bilang pangulo kung kinakailangan.

“This is what the Constitution demands, and this is where our focus should be,” ani Pimentel.

Sinabi ni Pimentel na hidni tungkulin ng bise president na mamahagi ng school bags, libro at magpatakbo ng bus routes.

“Ang role ng vice president ay maging palaging handa na maging president sakaling may mangyari sa nakaupong president. Hindi na niya role ang mamigay ng school bags. Hindi na niya role ang magpatakbo ng mga bus. Sayang ang oras nila ron. Pati ba naman ang mga ruta ng bus,” ani Pimentel sa interview.

Aniya, nadodoble ang programa ng pamahalaan sa OVP.

Iminungkahi ni Pimentel na sa halip na humingi ng hiwalay na badyet sa social assistance, dapat umasa ang OVP sa kasalukuyang ahensiya tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamahagi ng ayuda. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here