Home NATIONWIDE Japan gumagawa ng gulo sa rehiyon – Tsina

Japan gumagawa ng gulo sa rehiyon – Tsina

TUWIRANG sinabi ng Tsina na gumagawa ng gulo ang Japan sa South China Sea dahil sa pagdepensa nito sa laban ng Pilipinas sa soberanya sa West Philippine Sea (WPS).

Muli na namang binatikos ng Chinese Embassy sa Maynila ang Japanese counterpart nito, sa pagkakataong ito ay ang kuwestiyunin ang pahayag ng Tokyo ukol sa international law.

Tinukoy ng Embahada ang sinasabi ng Japan na illegal claim sa 700,000 square kilometers ng karagatan malapit sa Oki-no-Tori reef, na ayon sa Embahada ay isa lamang stand-alone rock sa west Pacific Ocean.

“Japan cites the so-called South China Sea arbitration to challenge China’s territorial sovereignty and maritime rights and interests in the South China Sea,” ayon sa embahada.

“They are so unaffected by the true spirit of rule of law that international laws and rules, in their opinion, are only applicable when deemed desirable,” dagdag na pahayag ng embahada.

Tinuran pa ng Embahada na ipinapakita lamang nito ang “how discretionary Japan all along is about international laws.”

“Japan’s supposed selected assertion of international law and the arbitral award, which Japan is citing as final and executory, are only “mere tools of political manipulation by certain countries, and thus in no way represent the international law.”ang sinabi ng Embahada.

“China’s non-acceptance of this illegal award is a true act in upholding sanctity of the international rule of law,” anito pa rin.

Kaya nga, sinabi ng Embahada ng Tsina sa Maynila na mahalagang tukuyin na “Japan’s exploitation of disputes between China and neighboring countries under the pretext of ‘rules.'”

“Their true intention is to cause trouble in the South China Sea, disrupt stability in China’s neighborhood and in turn to contain China,” dagdag na wika nito.

Nito lamang Agosto 30, binuweltahan ng Japan ang Tsina matapos na kuwestiyunin ng huli ang naging hakbang ni Japanese Ambassador in Manila Endo Kazuya na depensa Han ang Pilipinas mula sa agresyon ng mga intsik sa West Philippine Sea.

Sinabi naman ng Japan na ang concern nito na may kinalaman sa developments sa South China Sea ay isang “valid concern” dahil direktang may kaugnayan ito sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

“As a stakeholder that makes use of the South China Sea, the issue is also an important matter of interest for Japan, which depends on sea transport for most of its resources and energy,” ayon sa Japanese Embassy in Manila.

Bago pa ito, hindi rin nagustuhan ng Tsina ang pagtatanggol ni Endo sabay sabing “whenever incidents occur in the South China Sea, the Japanese ambassador always does not fail to give instant high-profile responses.”

Sinabi nito na ang naging tugon ni Endo ay “in ignorance of the facts and contained unwarranted accusations against China.”

“We can’t help but ask, does he not need some time to understand the facts and truth of the incidents, even if he were a ‘judge’ or ‘arbitrator’ of some sort?” ang sinabi ng embahada. Kris Jose