Home HOME BANNER STORY Badyet sa flood control sa susunod na taon, pinatatapyasan ni Escudero

Badyet sa flood control sa susunod na taon, pinatatapyasan ni Escudero

320
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero nitong weekend na dapat tapyasan ang P250.8-billion budget para sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa susunod na taon, sa pagsasabing mababawasan nito ang posibilidad ng korapsyon sa ahensya.

Ayon kay Escudero, ang badyet para sa flood control projects ay bumubuo sa malaking bahagi ng kabuuan ng badyet ng DPWH at 20 beses na mas malaki na itinakda sa konstruksyon ng mga bagong school building.

“Thirteen billion pesos lang ang para sa mga bagong classrooms tapos baha ang pondo para sa flood control. Mas malaki pa kaysa pondo para sa mga bagong kalye at limang beses ang laki ng pondo kaysa pagpapagawa ng bagong tulay,” saad sa pahayag ni Escudero.

“If we let this stand as it is, this budget will be deluged with criticism,” dagdag pa niya.

Pagpapatuloy, sinabi rin ni Escudero na dapat hintayin ng Pilipinas ang flood control master plan na popondohan ng Asian Development Bank (ADB), at ang ibang pondo ay dapat na ilaan na lamang sa kalusugan, edukasyon at food protection.

“Mas praktikal at makabubuti na tapyasan na muna ang pondong ilalaan para flood control at ibuhos ito sa mga sektor ng edukasyon, kalusugan, at produksyon ng pagkain habang hinihintay natin ang ADB-funded flood control master plan,” ayon kay Escudero.

“Ang pagbabawas ng pondo sa DPWH ay pagbabawas din ng posibilidad ng korapsyon,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here