Home NATIONWIDE Dizon nakipagkita sa mga dating kalihim ng DPWH; insertions itinurong ugat ng...

Dizon nakipagkita sa mga dating kalihim ng DPWH; insertions itinurong ugat ng korapsyon

289
0

MANILA, Philippines – Nakipagkita si Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon kay dating public works secretary Rogelio Singson at Jose de Jesus upang humingi ng tulong na muling linisin ang nadungisang ahensya.

Sa pagpupulong na tumagal ng mahigit isang oras, pinag-usapan ng tatlo ang corrupt practices sa kagawaran at paraan kung paano ito mapipigilan.

Ipinunto ni Singson na ang congressional insertions sa badyet ang pinagmumulan ng “massive corruption” sa ahensya.

Sinabi rin niya na ayon kay dating DPWH secretary Manuel Bonoan, karamihan sa badyet na para sa national public works projects ay tinapyas at napunta sa local projects.

“Lower House and the Senate. Total local project insertions in 2025 is about P450 billion. Ang problema d’yan hindi lang visible insertions, ibig sabihin NEP [National Expenditure Program] to GAA [General Appropriations Act] apparently, according to Secretary Bonoan. Kaya na-blindside siya because some of his programs were also carved out and replaced with local insertions,” ani Singson.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations noong Biyernes, ipinunto ng ilang mambabatas na ang mga malalaking proyekto ay pinutol-putol sa maliliit na proyekto para pagkasyahin sa P150-million limit upang maipatupad ang mga ito sa district level sa halip na sa regional office ng DPWH.

Samantala, humingi rin ng tulong si Dizon sa dalawang dating secretary ng ahensya para bumuo ng bagong team.

Si Singson ay naging Public Works secretary mula 2010 hanggang 2016 sa ilalim ni President Benigno S. Aquino III, habang si de Jesus ay nanungkulan mula 1990 hanggang 1993 sa ilalim nina Pangulong Corazon Aquino at Fidel V. Ramos.

Ani Singson, ang panawagan ng courtesy resignation sa lahat ng opisyal ng kagawaran ay unang hakbang patungo sa tamang direksyon.

“Humihingi ako ng tulong sa mga tao, who I can trust, who are the good people there. We have to find the bad eggs, take them out, make them accountable,” sinabi ni Dizon.

Hihingi rin ng tulong si Dizon sa mga dating public works official na ngayon ay nagtatrabaho sa international organizations katulad ng World Bank at Asian Development Bank.

Iginiit naman ni Singson na bagamat mayroong korapsyon, mayroon pa rin namang mabubuting tao sa ahensya.

“That’s why I had to speak up, Secretary Ping [de Jesus] and the former DPWH heads to speak up in defense of the institution that we serve. Six years akong and’yan, ‘me mga matitino naman d’yan. Hindi naman lahat d’yan korap.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here