Home SPORTS Bago City discus thrower naka-unang gold sa 2025 Batang Pinoy

Bago City discus thrower naka-unang gold sa 2025 Batang Pinoy

294
0
UNANG GOLD SA BP- Nasungkit ni Divine Andrea Pablito (dulong kanan) ng Bago City ang unang gold medal sa Batang Pinoy (BP). Nasa litrato sina Trisha Gayle Nalla (gitna) ng Maasim City na kumuha ng silver medal habang bronze naman si Gwen Julia Salac (kaliwa) ng Tarlac.
UNANG GOLD SA BP- Nasungkit ni Divine Andrea Pablito (dulong kanan) ng Bago City ang unang gold medal sa Batang Pinoy (BP). Nasa litrato sina Trisha Gayle Nalla (gitna) ng Maasim City na kumuha ng silver medal habang bronze naman si Gwen Julia Salac (kaliwa) ng Tarlac.

GENERAL SANTOS CITY, Philippines — Nakuha ni Divine Andrea Pablito ng Bago City ang bwena-manong gintong medalya ng 2025 Batang Pinoy Games dito matapos dominahin ang U18 Discus Throw girls’ event.

Nasungkit ni Pablito ang gold medal sa event na nilahukan ng 36 manlalaro matapos ihagis ang disc sa layong 32.19 metro sa kanyang unang pagsubok sa qualifying round.

Sa pagpasok ng 17-anyos na discus thrower sa top 8, nakuha na nito ang kumpiyansang masungkit ang gold medal dahil walang ibang atleta sa kanyang kategorya ang nakalampas sa 31-meter mark.

Ayon kay Pablito, iniaalay niya ang kanyang tagumpay sa kanyang mga magulang, coach at lalong lalo na sa Diyos.

Si Pablito ay anak ng isang magsasaka na aminadong umayon sa kanya ang paglalaro nila habang umuulan.

Naibulsa naman ni Trisha Gayle Nalla ng Maasim City ang silver medal sa iskor na 31.26, habang bronze naman si Gwen Julia Salac ng Tarlac, 30.05.

Sa ibang laro, kinuha ni Rich Justin Torres ng Tarlac ang gold sa shot put boys U16 habang silver si Kharl Allen Ecija ng Bago City at bronze naman kay CJ Clark Lopez ng Caloocan City.

Sa weightlifting, nabuhat ni Jane Manalo ng Zamboanga ang gold medal sa girls 10 and 11.

Sa isang press conference na ginanap sa media center ng Batang Pinoy, binati ni Philippine Sports Commission Chairman Patrick “Pato” Gregorio ang mga nagwagi sa unang araw ng sagupaan.

Pinuri rin ni Gregorio ang Local Governent ng  Puerto Princesa dahil sa pagbibigay nito ng insentibo sa kanilang atleta na sumabak sa Batang Pinoy kung saan makatatanggap ng P50K ang naka-gold, habang P30K at P20K sa naka-silver at bronze, ayon sa pagkakasunod-sunod.

“Binibigyan nila ng halaga at importansiya ang kanilang mga atleta para lalo itong magsumikap na dalhan ng karangalang ang kanilang bayan,” ani Gregorio sabay hirit na umaasa itong sa mga susunod na edisyon ay gagayahin ito ng ibang LGUs’. RICO NAVARRO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here