Home METRO Bagong arsobispo ng Jaro itatalaga sa April 2

Bagong arsobispo ng Jaro itatalaga sa April 2

MANILA, Philippines- Pormal na itatalaga ng Archdiocese of Jaro sa Iloilo ang ika-14 arsobispo nito na si Midyphill Billones, sa April 2 sa misa sa Jaro Metropolitan Cathedral.

Papalitan ni Billones, nagsilbing auxiliary bishop ng Cebu mula 2019, si Archbishop Jose Lazo, na nagretiro sa edad na 76.

Tinanggap ni Pope Francis ang resignation ni Lazo noong Feb. 2 at itinalaga si Billones bilang kahalili nito.

Isang araw bago italaga si Billiones, ipagdiriwang din ng archdiocese ang ika-50 anibersaryo ng priestly ordination ni Lazo sa isang misa sa cathedral.

Inordinahan bilang pari para sa Diocese of San Jose de Antique noong 1975, naging obispo si Lazo ng Kalibo noong 2003 bago lumipat sa Jaro noong 2018. RNT/SA