MANILA, Philippines – Pormal nang nanumpa si Associate Justice Fernanda Lampas-Peralta bilang presiding justice ng Court of Appeals (CA).
Nanumpa si Lampas-Peralta sa harap ni ni President Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malakanyang.
Ang bagong presiding justice na asawa ni retired Chief Justice Diosdado Peralta ay 20 taon ng CA Associate Justice.
Nagsilbi si Lampas-Peralta bilang acting presiding justice ng appellte court mula ng magretiro si presiding justice Remedioa Salazar Fernando nitong September 2023. TERESA TAVARES