PANGASINAN-Sinalubong ni kamatayan ang isang 22-anyos na lalaki matapos bumangga sa sementadong poste ang minamaneho nitong Honda TMX 155 motorcycle sa Brgy. Landas, Mangaldan nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 17.
Ayon sa mga otoridad, ang biktima ay residente ng naturang bayan, may asawa at self-employed.
Nabatid na bumibiyahe patungong timog sa barangay road ng naturang lugar ang motorsiklo nang bigla itong bumangga sa concrete post sa tabi ng kalsada.
Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang biktima na agad na isinugod sa ospital.
Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso