Home NATIONWIDE DOJ: Garma nahaharap sa money laundering sa Amerika

DOJ: Garma nahaharap sa money laundering sa Amerika

MANILA, Philippines – Hawak pa rin ng US authorities si retired Police Colonel Royina Garma dahil sa posibleng pagkakasangkot sa money laundering at paglabag sa karapatan pantao kaugnay sa Magnitsky Act.

Ipinaliwanag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang Global Magnitsky Human Rights Accountability Act of 2016 ay parusa na ipinapataw sa human rights violations at corruption kahit saan sa mundo.

Sa ilalim ng naturang batas, may kapangyarihan ang US na ipagbaw na makapasok sa kanilang teritoryo, ifreeze ang assets at magpatupad ng iba pang sanction laban sa dayuhang opisyal na snagkot sa human rights violation.

Hinahabol anya ng mga otoridad ang mga ari-arian ni Garma na kanyang itinago sa Amerika, ang mga money laundering activities nito at human rights violations na bahagi ng Magnitsky Act.

Pinag-aaralan na ng Pilipinas kung maaring gamitin ang Mutual Legal Assistance in Criminal Matters (MLAT) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos para mapabalik si Garma.

Magugunita na November 7 naharang at idinetene si Garma sa US dahil sa kanseladong visa.

Tiniyak ni Remulla na gagawin ng gobyerno ang lahat upang mapabalik sa bansa si Garma sa lalong madaling panahon.

“There’s no crack that we can use to tick off the time. We just have to play it by ear,” ani Remulla.

Si Garma ang nagbunyag sa House Quad Committee ng ipinaiiral umano na reward system ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na makapapatay ng drug suspects. TERESA TAVARES