Nagsagawa ng demostrasyon ang Commission on Elections (Comelec) para sa bagong automated counting machine sa susunod na halalan sa isang kilalang mall sa Lucena.
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, na nanguna sa kaganapan, na gagawing mas maginhawa at walang problema ang pagboto para sa mga botante.
Ang ACM ay may modernong features tulad ng malinis na lagayan para sa balota at malawak na touch screen monitor para sa madaling pagrepaso ng mga boto.
Mayroon din itong fool-proof receptacle para sa resibo pagkatapos makumpirma ng botante ang kanyang mga boto, hindi tulad noong mga nakaraang halalan kung saan ito ay ipinasok lamang sa isang dilaw na ballot box sa tabi ng makina.
“We immediately addressed the voters’ doubt whether their vote is counted, because we received complaints in the past elections that voters were not sure if their vote was counted because their receipt is just placed in the yellow box,” sabi ni Garcia.
Sinabi rin ni Garcia na maari nang bumoto ang mga senior citizens,person’s with disabilities (PWD) ay mga buntis mula alas 5 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi.
Ayon pa.kay Garcia, naghahanda sila para sa internet voting para sa mga Filipino sa ibang bansa at mall voting para sa mga barangay sa paligid ng commercial establishments na ito.
Hinikayat ni Garcia ang mga deactivated voters na i-renew ang kanilang registration.
Umapela rin si Garcia sa mga kabataang botante na makilahok sa halalan.
Ang bansa ay may 25 milyong batang botante.
Sinabi ni Garcia na hindi pa nila naaabot ang kanilang target na 60 hanggang 70 milyong botante.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 52 milyong rehistradong botante ang bansa at sinabi ni Garcia na walang extension ng pagpaparehistro. Magtatapos ang pagpaparehistro sa Setyembre. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)