Home NATIONWIDE Koneksyon kay Michael Yang itinatwa ng NPC

Koneksyon kay Michael Yang itinatwa ng NPC

Itinanggi ng National Press Club (NPC) of the Philippines na konektado si Michael Yang sa organisasyon, gaya ng iginigiit ni dating Customs intelligence officer Jimmy Guban sa joint congressional hearing.

“This is to certify that Mr. MICHAEL YANG is NOT a member of the National Press Club (NPC) nor affiliated, in anyway with, the organization,” sinabi  ni NPC president Leonel Abasola sa isang pahayag .

Nauna nang nagtestigo si Guban na sinabihan siya na ang multi-billion-peso shabu shipment na nasamsam noong 2018 ay pag-aari nina Paolo Duterte, Mans Carpio, at dating presidential economic adviser Michael Yang.

Sinabi ni Davao City 1st District Representative Duterte na dapat ibasura ang pahayag ni Guban dahil ito ay walang basehan.

Samantala, sinabi ng abogado ni Yang na si Atty. Raymond Fortun na ang pahayag ng dating opisyal ng Bureau of Customs (BuCor) laban sa kanyang kliyente ay sabi-sabi lamang.

Inilrawan din ni Vice President Sara Duterte ang alegasyon laban sa kanyang asawa na si Mans Carpio ,at kapatid bilang “political harassment.”

Dahil sa imbestigasyon, sinabi ng NPC na tinanggap ng mga executive officer at director nito ang alok ng dating National Irrigation Administration acting administrator Benny Antiporda na mag-leave of absence bilang bise presidente ng club.

Sinabi ng NPC na kasama rin si Antiporda sa mga idinadawit ni Guban, at ngayon ay naghahanda na “upang tugunan, punto por punto, ang mga paratang laban sa kanya.

“The NPC, as one of the oldest media organizations in the country, joins the quest for truth and calls for a resolution based on facts and without bias,” sabi ng organisasyon sa pahayag. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)