MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes na nakapagtala ng 1,580 bagong COVID-19 infections mula Jan. 23 hanggang 29.
Anito, makikita sa mga kaso ang 26 porsyentong pagbaba na may average daily count na 225 cases kumpara noong Jan. 16 hanggang 22.
Batay sa pinakabagong datos, 30 sa bagong naiulat na kaso ang natukoy bilang severe” o “critical.”
Samantala, iniulat ng DOH ang 13 karagdagang COVID-19-related deaths na naganap sa pagitan ng Jan. 16 at Jan. 29.
Anito pa, hanggang nitong Jan. 28, ini-admit sa mga ospital sa buong Pilipinas ang kabuuang 194 severe at critical COVID-19 patients upang gamutin.
Sa 1,166 ICU beds na nakatalaga para sa COVID-19 patients, 181 sa mga ito, o 15.5 porsyento, ang kasalukuyang okupado.
Binanggit din ng DOH na 1,458 sa 10,306 non-ICU COVID-19 beds, katumbas ng 14.1 porsyento, ang ginagamit.
Kaubnay nito, pinaalalahanan ang publiko na manatiling protektado laban sa virus. RNT/SA