Home NATIONWIDE Bagong DENR chief hinimok ng PAMALAKAYA: Reclamation, quarrying projects sa Manila Bay...

Bagong DENR chief hinimok ng PAMALAKAYA: Reclamation, quarrying projects sa Manila Bay ibasura

270
0

MANILA, Philippines – UMAPELA ang grupo ng mga mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) kay incoming Secretary of the Department of Environment and Natural Resources (DENR) Raphael Lotilla na ibasura ang reclamation at seabed quarrying projects sa Manila Bay.

Sa isang press statement, hinimok ng PAMALAKAYA si Lotilla na “agad at walang kondisyon” na bawiin ang environmental compliance certificates (ECC) ng hindi bababa sa 22 reclamation projects sa Manila Bay, gayundin ang 13 aprubadong seabed quarrying / dredging.

“Madami nang pag-aaral na nagpapatunay sa mga malubhang pinsala ng reklamasyon sa kalikasan at kabuhayan ng mga mangingisda. Hindi pa naitataas ang reklamasyon ng dahilan ng mapaminsalang pagbaha sa mga komunidad at siyudad sa paligid ng Manila Bay,” ayon sa pahayag ni Fernando Hicap, National chairperson ng PAMALAKAYA.

Ang tinutukoy ni Hicap ay ang pinagsama-samang pagtatasa ng epekto na isinagawa ng DENR at mga marine scientist na nagpapatunay sa “hindi maibabalik” na pinsala ng reclamation sa kapaligiran.

Kaugnay nito, pinuna ng grupo ng mga mangingisda si outgoing DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga dahil sa kanyang “pagpapabaya sa pagdinig” sa panawagan na ibasura ang reclamation at dredging.

“Sa kabila ng malakas na panawagan ng mga mangingisda at makakalikasan laban sa reklamasyon at dredging, wala kahit isang environmental permit ang ipinarepaso ni Yulo-Loyzaga,” ayon pa sa grupong Pamalakaya.

“Kaya hamon sa papasok na bagong kalihim ng DENR na huwag nang mag-atubili pa na kanselahin ang mga ECC ng lahat ng reklamasyon at dredging sa Manila Bay. Magiging magbantay ang mga mangingisda mula sa unang araw ng pag-upo ni Secretary Lotilla sa mga kagawaran,” dagdag pa ni Hicap.

Kabilang sa mga reclamation project na mayroong environmental compliance certificates (ECC) ay ang 407-ektaryang City of Pearl sa Maynila, ang 650-ektaryang Navotas City reclamation, at ang 420-ektaryang reclamation sa Bacoor City, Cavite. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here