Home NATIONWIDE Bagong depinisyon ng pamahalaan sa ‘food poor’ binatikos ng Bayan

Bagong depinisyon ng pamahalaan sa ‘food poor’ binatikos ng Bayan

MANILA, Philippines – Binatikos ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) nitong Miyerkules, Agosto 14, ang bagong individual threshold ng pamahalaan na ang P64 na badyet para sa tatlong pagkain kada araw ay hindi ikinokonsiderang “food poor” sa bansa.

“NEDA (National Economic and Development Authority) should try living on P64 per day for food for a year, before coming up with conclusions that such an amount does not make a person food poor. The Marcos regime is so out of touch with reality,” saad sa pahayag ni Bayan secretary general Renato Reyes.

“This is the kind of thinking that keeps wages low and covers up poverty in the country. Redefining poverty will not make it go away,” dagdag pa niya.

Wala pang tugon ang NEDA kaugnay sa naging pahayag ng Bayan.

Sa unang araw ng pagdinig ng Senado sa proposed 2025 budget nitong Martes, tinanong si NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa kasalukuyang threshold para sa isang tao na maikokonsidera bilang “food poor.”

“As of 2023, a monthly food threshold for a family of five is P9,581. It comes out about P64 per person,” ani Balisacan, sabay sabing ang naturang halaga ay sasakop na sa tatlong pagkain ng isang tao kada araw.

Ang halagang ito ay tumaas mula noong 2021 kung saan ang “food poor” threshold ay nasa P55 kada tao, at inaasahang tataas sa P67 sa 2025.

Ani Balisacan, pinapalitan lamang nila ang threshold batay sa inflation upang mamonitor nila kung epektibo ang mga polisiya ng pamahalaan sa paglaban sa kahirapan.

“The reason we are keeping it constant, in real terms after adjusting for inflation, is just to ensure that we are tracking properly the changes and allow us to understand whether our policies, our programs are working insofar as these are able to reduce poverty,” anang kalihim.

Dahil dito ay hinimok ng mga senador ang NEDA na suriin ang kanilang threshold upang masiguro na ‘accurate’ ang poverty forecast.

“There are certain things that need to be constant, but there are certain things that have to be adjusted because when you compute poverty thresholds using an old number which is obviously not workable anymore, P20 per meal, eh hindi totoo ‘yung poverty forecast (P20 per meal means your poverty forecast is not true),” sinabi ni Senador Grace Poe.

Sang-ayon naman si Balisacan na napapanahon na para muling bisitahin ang kanilang threshold.

Ipinaliwanag ni Philippine Statistics Authority chief Claire Dennis Mapa na dumating ang pamahalaan sa naturang threshold “after costing the menu for breakfast, lunch, and dinner (prepared by nutritionist) that will give the required energy and nutrients.”

Ang halimbawa ng almusal ay binubuo ng scrambled egg, coffee with milk, at boiled rice o corn mix.

Para naman sa tanghalian, ang sample ay munggo na may malunggay, dilis, saging at kanin o corn mix.

At para sa hapunan, ang sample food bundle ay binubuo ng pritong isda o nilagang baboy, gulay, at kanin o corn mix. RNT/JGC