Home NATIONWIDE Bagong deputy chief public attorney ng PAO pinangalanan ni PBBM

Bagong deputy chief public attorney ng PAO pinangalanan ni PBBM

MANILA, Philippines – ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Atty. Erwin Erfe bilang bagong deputy chief public attorney ng Public Attorney’s Office (PAO).

Sa katunayan, kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil ang bagong appointment ni Erfe sa text message na ipinadala sa mga Palace reporters, Martes ng gabi, Abril 2.

Nauna nang inanunsyo ni PAO chief Persida Ruesta-Acosta ang promosyon ni Erfe sa kanyang X post at ibinahagi nito ang appointment papers.

Base sa kanyang appointment paper na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong nakaraang Marso 27, pinalitan ni Erfe si dating PAO deputy chief public attorney Silvestre Mosing.

Nagsilbi si Erfe bilang director ngForensic Laboratory Division sa PAO bago pa ang kanyang appointment. Kris Jose

Previous articleWalang Pinoy ang nasaktan sa lindol sa Taiwan- MECO
Next articleTarget collection ng BOC sa buwan ng Marso, nalampasan pa