Home NATIONWIDE Walang Pinoy ang nasaktan sa lindol sa Taiwan- MECO

Walang Pinoy ang nasaktan sa lindol sa Taiwan- MECO

MANILA, Philippines – WALANG mamamayang Filipino ang napaulat na nasaktan o kabilang sa nasawi kasunod ng malakas na lindol na tumama sa Taiwan, Miyerkules ng umaga.

Sa isang kalatas, sinabi ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na ang lahat ng mga Filipino at overseas Filipino workers sa isla ay “all accounted for and safe”.

“We are thankful that we have not received reports of any of our kababayans being hurt or badly affected by the powerful earthquake that hit Taiwan this morning,” ayon kay MECO Chairperson Silvestre Bello III.

“Based on our monitoring in Taipei and the reports from our field offices in Taichung and Kaohsiung, and the reports coming from our Filipino communities in Taiwan, there are no Filipino casualties or injuries in the aftermath of the earthquake and the aftershocks,” dagdag na wika nito.

Tinatayang may mahigit na 60,000 Filipino ang nagta-trabaho sa Taiwan, base sa pinakabagong data mula sa Department of Migrant Workers (DMW).

Nauna rito, iniulat ng Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers na walang napaulat sa ngayon na mga Pilipino na nasugatan sa tumamang malakas na lindol sa Taiwan base sa isinagawang initial assessment.

Sa kabila nito, mayroon nang inilatag na preemptive protocols para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng mga Pilipinong nasa Taiwan.

Ayon kay Foreign Affairs USec. Eduardo de Vega, ipinaalam sa kaniya ni Department of Migrant Workers (DMW) Officer in Charge Hans Cacdac na mayroong isang gusali sa Hualien ang matinding napinsala at mayroong reports din na maraming nasira na mga istruktura matapos ang tumamang malakas na lindol.

Base sa report mula kay Cacdac at labor attaché ng PH sa Taiwan, walang naiulat ang Filipino community sa Hualien na nasugatan sa ngayon.

Patuloy namang kinokontak ng mga opisyal ang mga Filipino community sa lugar para matiyak na sila ay nasa ligtas na kalagayan.

Una na ring sinabi ng DMW na aktibo itong nakabantay sa sitwasyon ng OFWs sa Taiwan matapos ang lindol na tumama. Kris Jose

Previous articleHigit P14M iligal na droga naharang ng customs sa Pasay
Next articleBagong deputy chief public attorney ng PAO pinangalanan ni PBBM