Home METRO Higit P14M iligal na droga naharang ng customs sa Pasay

Higit P14M iligal na droga naharang ng customs sa Pasay

MANILA, Philippines – NASA P14.8 milyon halaga ng iligal na droga ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) Sa ilang unclaimed parcels sa Central Mail Exchange Center (CMEC).

Nabatid sa BOC, noong Enero 19, 2024 ay isang parsela na nagmula sa Wilmington, California, USA, na idineklarang naglalaman ng “hardware” ang sumailalim sa inspeksyon.

Nadiskubre ng mga awtoridad ang 2,452 gramo ng cocaine na nakatago sa loob ng black bolts na nakabalot sa isang parsela, na tinatayang may street value na P12,995,600.

Bukod dito, may anim pa na aprsela ang naharang sa CMEC kung saan idineklara ang mga ito na naglalaman ng iba’t ibang personal na gamit.

Gayunpaman, sa pag-inspeksyon, natuklasan ang kabuuang 1,307 gramo na may tinatayang halaga ng P1,829,800 halaga ng marijuana na nakatago sa loob ng mga parsela.

Ayon sa BOC, ang mga naaangkop na kaso ay dapat isampa laban sa mga consignee ng mga parsela dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act. JAY Reyes

Previous articleDENR regional office, salarin sa pagtatayo ng private resort sa Chocolate Hills – solon
Next articleWalang Pinoy ang nasaktan sa lindol sa Taiwan- MECO