Home HOME BANNER STORY Bagong ebidensiya vs VP Sara, ihaharap sa impeachment pre-trial

Bagong ebidensiya vs VP Sara, ihaharap sa impeachment pre-trial

3
0

MANILA, Philippines – May bagong ebidensiyang ihaharap ang prosecution panel sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte, kabilang ang mga personal na ari-ariang umano’y hindi niya idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), ayon kay Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon.

Sinabi ni Ridon na ang bagong ebidensiya ay may bigat na maihahambing sa mga bank account nina Duterte at ng kanyang asawa na si Manases Carpio, na tinalakay sa mga pagdinig ng Kamara.

“So there is new evidence that had never been discussed, disclosed during any proceeding including the House justice committee proceedings. So we will present it during trial proper, and it will be disclosed to the public by the pre-trial submissions and conference.”

Ayon kay Ridon, ang mga naturang personal na ari-arian ay nagkakahalaga ng milyun-milyong piso at hindi lamang isa o dalawa ang bilang. Aniya, mas mahalaga ang hindi pagdedeklara ng mga ito sa SALN kaysa sa kabuuang halaga ng mga ari-arian.

Idinagdag niya na ang hindi pagsasama ng mga ari-arian sa SALN ang isa sa naging batayan ng pagkakahatol kay dating Renato Corona noong impeachment trial nito noong 2012.

“Aside from its value, I think the more important point would be its non-disclosure, non-statement in the SALNs of the Vice President.”

Iginiit din ni Ridon na pinapayagan sa impeachment proceedings ang paghaharap ng bagong ebidensiya kung ito ay may kaugnayan sa mga artikulo ng impeachment at tatanggapin ng Senado bilang impeachment court.

Nauna nang nabanggit sa mga pagdinig ng Kamara ang umano’y pagtaas ng net worth ni Duterte mula P7.2 milyon noong 2007 hanggang P88.51 milyon noong 2024. Tinalakay rin noon ng Anti-Money Laundering Council ang umano’y P6.7 bilyong kabuuang transaksiyon sa mga bank account ng mag-asawang Duterte-Carpio.

Inaasahang ilalantad ang bagong ebidensiya sa pre-trial conference bago magsimula ang pormal na impeachment trial. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here