MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makatutulong ang bagong flour milling plant sa Quezon province para matiyak ang food security sa bansa.
Ito ang inihayag ng Pangulo matapos pangunahan ang inagurasyon ng flour plant ng Universal Robina Corporation (URC) sa Sariaya, Quezon.
“In a time when every grain counts, this establishment will aid in ensuring that our people have the resources they need to nourish themselves and the future of our nation,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos.
“With this new plant, the URC has positioned itself as a key player in our nation’s food security, driving economic stability and innovation,” dagdag na wika nito.
Tinuran pa ng Pangulo na ang kapasidad at teknolohiya ng flour plant ay may kakayahang mag- produce ng 3,500 metric tons ng harina kada araw.
“This will meet both the growing demands of the local market and the ever-increasing appetite for high-quality food on our tables,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“But this is not just about numbers. This facility, with its focus on efficiency and sustainability, speaks to our shared responsibility to build a stronger, more resilient future,” aniya pa rin.
Pinuri naman ng Chief Executive ang URC sa mahalagang kontribusyon nito sa kultura ng mga Filipino at ang nananatiling matatag na commitment nito na mag-produce ng “world-class quality food products.”
Kinilala naman ng Pangulo ang dedikasyon ng naturang kompanya sa nakalipas na 70 taon sa paghahatid at pagtupad ng pangako nito “to delight everyone with good food choices”.
“This only shows the mark that you have made to Filipino culture. Your commitment to producing quality food proves that we can go toe-to-toe with the best in the world,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Yet, you have not rested on your laurels. Rather, you have tried to find ways to beat what you have achieved in the past seventy years,” aniya pa rin.
Idagdag pa rito, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang naging kontribusyon ng URC sa pagpapahusay ng ‘productivity at pagsuporta sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa bansa.
“We reaffirm our unwavering support for local manufacturers and producers, especially in the vital food and beverage sector, as we look towards a more prosperous Bagong Pilipinas,” ayon kay Pangulong Marcos.
“This Administration acknowledges the critical role you play in advancing our socio-economic growth—boosting farm productivity, supporting MSMEs, and ensuring the food security of our nation,” aniya pa rin. Kris Jose