Home METRO P2.2M marijuana winasak sa Ilocos Sur

P2.2M marijuana winasak sa Ilocos Sur

ILOCOS SUR- Nagkakahalaga ng P2,225,000.00 na fully grown marijuana plants at marijuana dried leaves ang winasak ng mga otoridad sa nadiskubre nilang taniman ng marijuana Brgy. Licudan, Sugpon ng lalawigang ito kahapon, Nobyembre 28

Nagsasagawa ng marijuana eradication operation sa Mt. Agay ang mga law enforcement officer mula sa Philippine National Police Drug Enforcement Group Special Enforcement Unit (lead unit), National Bureau of Investigation, 1st Provincial Mobile Force Company La Union Provincial Office, Sugpon MPS, at PDEA La Union Provincial Office nang madiskubre nila ang naturang taniman na natatamnam ng 8,000 fully grown marijuana plants.

Agad nilang pinagbubunot ang mga naturang marijuana plants at kasama ng 5 kilo na marijuana dried leaves na nadiskubre rin nila sa naturang lugar ay sinunog nila ang mga ito

Walang marijuana cultivator na naaresto ang mga otoridad mula sa nadiskubreng taniman ng marijuana. ROLANDO S. GAMOSO